Gadgets ang gizmos aplenty…

June 27, 2011 § 9 Comments

I was thinking about this on and off for days (napapisip ako kasing bumili pero di ko alam magiging reaction ng asawa ko) and suddenly Tonet told me to blog this. Imagine my happiness and kilabot… feeling ko sign na bilhin ko na nga (mabasa sana ng asawa ko at umagree).   Here goes…

do you know what this is?

Saw this at my friend’s house early this year. I found it cool and impractical kasi ang mahal (nasa P23,000 yan kasi large at Dyson ang tatak – weh ano ngayon kung Dyson ang tatak? apparently sikat yata yung Dyson.. oh well) at sa Singaporepa pa nila binili, but di ako interested curious lang so deadma lang. Mas interesado ako sa kanya as conversation piece kesa as fan, kaya nag mobile upload na lang ako see the discussion sa FB Thread on my wall re this. So I got na what I want, no reason to buy it anymore.

Fast forward to early this month. I saw a picture sa FB na may pre selling of something like this.

Uyy napatanong ako how much, wala lang not interested lang malaman how much (P3,000 daw pre selling nung June 2).  Hmm it was not mura, but di na din sing mahal nung orig 15% na lang ang presyo eh. Different ang brand nito, di ako nag research about this kasi nga natuwa lang ako di naman akong interesado curious lang.

Fast forward again to a week ago. Si Laya girl naglalakad na since early this month, last month testing lang, but because di naman siya stable pa laging sinusundan ng nagbabantay, either si yayang bagong rebond na bagay sa kanya at P1200 or si didda, or ako or si achi Kite. BUT last week since stable na siya maglakad hinahayaan na namin siya pa lakad lakad sinusundan na lang ng tingin, now ko lang narealize nyeks delikado yung electric fan, diyos ko po, iniisip ko pa lang nagcri-cringe na ako. Hmm may sense yata yung Dyson na yan… hmm magkano nga ulit yung sabi nung seller dito sa Pinas (di ko maalala eh).  Pero inisip ko lang naman di ko naman hinanap at di ko na din pinansin kasi tuwing nasa computer ako nawawala siya sa isip ko naaalala ko lang tuwing nagbabantay ako kay Laya sa sala.

Then FB ko kanina si Tonet, nabangit niya na naalala niya yung kakaibang klaseng fan, iblog ko daw. Aba tama gusto ko ngang hanapin ulit magkano, tama tama, gawin ko ngayon… sandali di ba sign siya na bilhin na nga (sign din kaya ito sa tingin ng asawa ko?) hmm… abangan natin ano magiging comment niya dito or better yet abangan ninyo kung ma update ko itong blog with a picture of OUR fan.

Yun lang, ginagamit ko lang yung blog na ito para magparinig sa asawa ko at pasayahin si Tonet *feeling hahaha* :)p

Kayo sang-ayon ba kayo na bumili kami ng fan para di maaksidente ang baby namin? Kesa sa ER ibayad eh di prevention na lang.  *nanghihikayat ng buyo*

If di maapprove ng asawa I will need to dig the N@W archives re the electric fan cover… I tried finding it kanina di ko mahanap.. sign yata na di ko kailangan ng electric fan cover hahaha.

PS.

Nag PM ako sa seller kanina (para updated na info ang mabibigay ko) kung may stock, magkano etc, aba meron pa daw at may parating pang elliptical at P3600 at abangan na lang yung specs dito sa album at free shipping to Metro Manila pa din. Please direct inquiries to them ha, ayaw ko maging operator if ever. Dinagdag ko itong PS para makapag disclosure ako… I do not know the seller, haven’t met her, just met her thru FB and wala akong commission.

§ 9 Responses to Gadgets ang gizmos aplenty…

  • Abet Rana says:

    okay yung mura but ang tanong, matbay ba? Paki bili na rin ako ng ordinaryon fan for my work station. Salamat! 🙂

    • BenzRana says:

      malalaman natin kung matibay. order na ako ha,para pa mablog ko na *ek*. yes will buy you fan na normal.

  • well, prevention is a lot cheaper actually. plus we want to see laya grow with normal body parts. and i want her to learn how to count up to ten. 😀

    good luck with your electric fan shopping!

    pero benz, baka gusto ni didda isa pang aircon? 😀 hahah! okay, nanuhol nako! :))

  • cescadear says:

    ms. benz, i saw the round one na sa ansons in trinoma! i showed it to Mark din and told him about the expensive one (dyson…) and tried to convince him pa na good buy na ata yun kasi P3000 something lang and safe pa sa mga babies/toddlers. we asked ansons if we can try it first and sadly hindi kami satisfied sa lakas nun hangin parang you have to be very near the fan to feel the air. iba pa rin siguro kung dyson nga 😉

    • BenzRana says:

      nyeks napaisip tuloy ako. sayang may o signal na eh… hmm matignan na lang nga yung electric fan cover na yan!

      dito ka na mag stay di ka na babalik sa australia?

      • cescadear says:

        i suggest try nyo na rin tignan sa ansons trinoma if you have time 🙂
        yup, we’re staying here muna…hirap may baby sa abroad…hehe!

  • Grace G. says:

    I think if you are buying an air multiplier (which is what they call this snooty electric fan), you should go with Dyson. We have several Dyson products and are very happy with it. Sulit sya saka talagang matibay. Masakit sa bulsa but they last naman. 🙂

    • BenzRana says:

      Oh definitely buying a Dyson is not going to happen, too expensive for me. Ipad2 na lang bibilhin ko or Samsung Galaxy then bilhan ko si Laya ng Electric Fan Cover hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Gadgets ang gizmos aplenty… at MimmaBenz.com.

meta

%d bloggers like this: