My Childhood!

August 14, 2011 § 10 Comments

It’s my turn! This is all about me! Sorry kayo blog ko ito and I can do this πŸ™‚

Umpisahan natin ang mga pictures sa nanay ko para maganda. Oh ayan sorry di ako ampon. She’s 7 months preggy here.

di ko alam ano ine-emote ng nanay ko dito and kung nasaan ako I should be 2 months old by this time, bat di niya ako inaalagaan? Tsaka di siguro ito bahay namin? Sosyal nasa hotel? Bakit? eh baby pa ako asan ako??? Iniwan? hmm di maganda yan.

a six months old, naku tagal ng buhay ng silver tinsel Christmas tree namin na yan, naalala ko pa nung nagpalit kami to the green na plastic tree.

8 months old ako nito, ano ba yan Feb. na may Christmas Tree pa sa bahay na-mamana pala yang ugaling yan

madalas din kami sa Luneta, dun kami ng younger brother ko pinapaarawan. Or morning exercise siguro.

She’s a boy, bat naman mukha akong boy:(Β  Sana Amorsolo na lang yung painting!

di ko mabasa nakasulat sa cake (uuyy Hizon’s yan) pero di ko ito birthday but sila nakiki picture with me? Anong meron pag September? *puzzled* siguro parang bahay namin ngayon minsan maski walang occasion bumibili kami ng Hizon’s cake

naku madalas din kami sa Nayong Pilipino… I therefore conclude lakwatsera pamilya namin! at mahilig magpicture.

I like your pants mader! Yung pictures ko na naka collage sa wall -Bob’s Studio yan- am sure familiar sa mga friendships ko kasi hanggang after college yata nasa room ko yan tapos nilipat sa room ko sa Baguio na bahay eh.

dala dala namin sa bagong bahay ang Christmas Tree of course!

itong picture ko naku naka frame at naka display sa room ko until High School kaso nung mataba ako nahiya na ako kaya pinaalis ko na niloloko ako ng mga tao na taba taba eh. See the flower sa dress ko? Painted yan, ewan ko if mura or mahal sinasabi ko lang kasi naaalala ko.

pag nanay ang kasama sa Luneta may lobo, pag contrabidang auntie wala! hmph!

Ganito kami mag party noon, ewan ko kung bongga yan pero sabi ng nanay ko bongga daw yan (kaso di lahat ng sinasabi ko sa anak ko totoo so now napapaisip ako if totoo nga o hindi) basta ang saya saya namin niyan. Sino kaya yung mga bisita ko? Parang walang familiar? Nancy, Oliver Ruber, Sherington, Sherwin, Ahia Mike, Steve, Achi Annabele, Ramon nasaan kayo? Di kayo umattend ng bday party ko?

Back then your yayas stays with you for years! Yaya Cely on the left umalis sa amin kasi may sakit siya but matagal yan sa amin, si Yaya Nilda on the right stayed with us for a long timeΒ  siya pa yaya ni brother for a long time until nag abroad siya, alam ko pa name ni Nilda Parreno, ma google at FB nga pag tapos nito.

My very First Flower Girl gig. Ahh ipopost ko ito sa FB para makita ng mga pinsan ko wedding picture ng magulang nila haha πŸ™‚ matuwa kaya sila or mahiya? Diyos ko po ubos na halos kaibigan kong single, parang awa na ninyo kunin ninyong mag flower girl si Laya! Ako na sagot sa gown niya please (maka 3 times lang ok na ako)

Girl ako πŸ™‚

Ford Fiera ng uncle ko (yes yung kinasal kung saan akoay flower girl) for his beef ball business na sinusupply dun sa fast food ng mom ko

you know you are Chinese if… you look forward to the bloom of this plant at midnight, it blooms for a few hours lang tapos dead na pag morning; tapos ipapa tuyo na ng mom ko tapos sa ref na yan kasi ingredients ng mudra sa sabaw pampaganda niya. Anybody here knows what this plant is called? Naku ang dami ko nang igu-google after this post. Also here is one of my mom’s super good friend kaso she passed away na tagal na. Sa HK siya based tapos siya taga luto ng Shanghai Hairy Crab ko whenever we are in HK tapos sa hotel namin kakainin. Yummy!

Ayan the brother dumating na. TV namin yung uso noon nasasara haha

Nakita ninyo yang stroller? Kaloka diba? Actually nagtataka ako bat buhay pa kapatid ko imagine ang laki ng chances na ma accidente diyan. Puritang klaseng stroller kaya yan? Pwede ka pang ma tetano sa grills sa ilalim eh.

June birthday namin magkakapatid at six years pagitan namin sa isa’t isa kaya madalas combi ang party. Ito naman ang ka share ko eh si brother 1 siya ako 7 na. Oo na kamukha ko tatay ko.

di ko mahanap malaking image nito puro contact prints lang

malamang Chinese Garden ng Luneta ito gaano kayang kadaming oras nauubos namin kaka picture?

Luneta pa din.

Sandali baka sabihin ninyo di talaga ako madalas sa Makati, eto prueba! Di lang kami panay Luneta πŸ™‚

ito ang aming playground, naku too many fond memories of my childhood, yung dulo sa left bahay nila Ton & Sherwin before their house kina Kim naman pero lumpiat sila sa likod after a while.

ito naman yung facing other side, yun nakikita sa tapat yung ilalim niyang may sari sari store, natuto akong tumawid kapupunta diyan, tapos near that may panaderya din buy kami pandesal ang liit lang tapos ang tamis. pero further pa sa street takot na ako di na kami pinapayagan ng mga yaya namin to go there dangerous na.

di lang ako Luneta & Makati girl noon, Malate girl din. Diyan kasi nakatira friend ng mom ko na kapitabahay nila Katie na classmate ko sa grade school. Yan si Katie, at friends pa din kami until now… ilang years na Katie? πŸ™‚

kamukha kami ng mommy ko… ng damit! yan yung shelf ng mudra ng shoes & bags. At syempre naka balandra yung make up luggage niya.

super love ko itong resto at alam ko may picture pa ako eating the corn. super insist ako eating here heheh brat brat ko!

end this with a nice photo of me πŸ™‚

Tama na nataob ko na nanay ko 30+ pictures ko kanya 20+ lang.

πŸ™‚

I had a super great childhood and I just hope Kite & Laya will remember how much fun their childhood was too when they grow old. I think everybody have lotsa good memories but some remember the bad when they grow old, others remember the good lang. It’s all in the perspective.

Of course madami din kaming sad memories, daming dinaanan family namin but it is still a lot more fun than bad.

Hope your memory of your childhood is fun too.

§ 10 Responses to My Childhood!

  • Chele ni Dhar says:

    Benz, may ganyang stroller din ako tulad ng sa brother mo. Sabi ko nga sa Mama ko – “Stroller ba iyan?”. Sabi nila iyon lang din ang afford nila na stroller noon e. Hehehe.

    Super pretty talaga ng Mom mo. Pati si Dhar, aliw sa Mom mo na super pretty.

  • Grace G. says:

    Your mom is pretty and you were such an adorably cute kid! πŸ™‚ Sometimes parang si Kite yung tinitingan ko eh. The plant that you mentioned – may ganyan sa garden ng mom ko, she calls it Queen of the Night pero di ko alam kung yan ang tama na term or imbento lang ng mom ko pero we also stayed up to watch it bloom then as morning comes lanta na sya. How old was your mom when she passed on? I think she would have been such a groovy lola to Kite and Laya if she was still around! πŸ™‚

    • BenzRana says:

      Grace, I googed some calls it Queen of the Night but if you google naman Queen of the Night iba yung variety eh, unless antok na ako.

      Am not sure how old my mom was when she passed on eh for some reason nga her death and the info surrounding it di nagre retain sa akin.

      Ahh she is not a groovy lola 😦 Sad to say Laya & Kite are not blessed with lola who we read sa books. Modern lola mga lola nila di nagaalaga ng apo. They shower the kids with pasalubogn and gifts though hehehe.

  • Mylene says:

    Super kakaaliw ‘to! Favorite ko yung portrait, kayong 3 magkakapatid, with your mom. Super natawa naman ako don sa 2nd pic, na 2 months old ka pa lang, pero mukhang iniwan ka hehehe, baka naman ayaw ka lang isali sa picture hehe. Your mom is so pretty!

    • BenzRana says:

      Hindi ko nga alamkanino ko pwedeng itanong saan yun place na yun eh. Kasi di yun bahay namin eh. Parang hotel eh. I really wanna know.

  • patty says:

    nakakatuwa, mama benz. nakikita ko si kite dun sa mga pictures – lalu na ung portrait mo na naka-red dress ka. saw kite’s eyes! hahaha…

    bob’s studio! tagal na nila. alam ko rin matagal si chat peypoch tama ba spelling? haha… thanks for sharing the pics! parang time machine ang effect.

    • BenzRana says:

      Patty,

      Chat Peypoch nakilala kolang high school na yata ako nadadaanan ko pa studio nila if I walk hom kasi sa may Pasay lang yun eh.

      Yung Bob’s sa Malate namin pinupuntahan.

      Tuwing nakikita ni Kite picture ko nung bata sinasabi niya ahh I look like you… may halong sama ng loob hahaha

  • Joniel Joseph says:

    Picture captiones below:
    ito ang aming playground, naku too many fond memories of my childhood, yung dulo sa left bahay nila Ton & Sherwin before their house kina Kim naman pero lumpiat sila sa likod after a while.

    Grabe, nandun pa ung lumang Mercedes-Benz, Siguro W110 ito!

  • Tani says:

    Wow, your mom looks so fashionable! You have great childhood pics and they’re in good quality. Nice… πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading My Childhood! at MimmaBenz.com.

meta

%d bloggers like this: