My Mommy! A Brag Post

August 14, 2011 § 30 Comments

Ok nagpunta ako sa house ng mom ko sometime last week, matagal na matagal ko na yan planong gawin kaso nakakatamad kasi ang dumi dumi ng bahay kasi walang nakatira, but last week nga nagpascan ako ng pictures na meron ko dito sa amin para madigitize na (at ma blog or ma FB upload) eh natapos na niya so pag return niya ng batch 1 gusto ko padala na ang batch 2 para di sayang sa biyahe so yun ang reason ng why now. But as I was checking the pictures out grabe they are so so precious and I was too excited to show off my pretty mom so nag scan ako ng mga fav ko, di ko namalayan nasa hundreds na pala yung iniscan ko. So here they are.

My Mommy :)   (favorite ako niyan!)

oh diba prettiness ng mudra? itong dresser niya playground ko minsan, nagme-makeup ako sa sarili ko. Yung mga gamit niya sa make up hay until she died yun pa din like yung lalagyan ng loose powder, yung gold gold na lalagyan ng tissue paper and etc.

uuyy ako yung little CUTE girl at ate ko yung isang girl… anybody knows where this is? Makati ba?

nice ng outfit diba? ito yung compound where we lived when I was 1 year old until mga 21 siguro ako (my childhood barkada all came from this compound – may kapitbahay kaming bombay kaya nalaman ko na nagibilad sila ng mga pagkain nila sa araw tsaka may amoy na iba sa bahay -uuy di ako racist ha, bahay namin may amoy din pang Thailand amin amoy curry kami- tapos may neighbor kaming Espanol, hmm asan na si Ramon Machuka, mag google or FB search nga, sila Nancy, Oliver, Ruben, Sherington, Sherwin, Achi Annabelle, Cindy, Kim, Kent and their cousin Dodong am in touch with until now; si Ahia Mike & Steve mahahanap ko kasi pinsan ng kabarkada ko si Ramon unaccounted, sila Jessie yung landloard namin di namin ka barkada kasi rich sila Benz ba naman lahat ng kotse as in madami ha more than 3 na Benz yun aber!) pucha nag FB search ako at nahanao ko ng si Ramon..tignan mo nga naman. Kamusta kaya sister niyang pretty na si Potpot?

if I am correct Rizal Theater ito, Nasa Makati likod ng Rustan’s where 6750 is located now. Tama ba mga oldies?

ito sure ako Makati ito sa Goldcrest yan, tambay ako dito noon habang nagtatao sa fastfood nanay ko at auntie ko

tambay nga kami sa Makati naniniwala na ba kayo?

kung hindi ito ang isa pang proof. maniwala na kayo or dadagdagan ko ito!

I think mahuhulaan ng lahat anong hotel ito. Ilalim nito ay Spirals na ngayon.

if tama ako ito yung labas na part nung hotel sa itaas.

Paco Park right?

ang ganda nung clock na ito, asan na kaya? (Philippine Airport kaya ito?)

ito sure ako dito sa Pilipinas itong airport na ito, may mumu na kaya noon pa?

siya yung pag nag abroad may maleta ang  mgamake up niya, and kung tulungan ng pagbuhat ang usapan unang una akong kukuha nito pinaka magaan eh hahaha wais ito. andun pa yata itong make up bag sa bahay eh

itong place na ito vivid sa utak ko, malapit lang ito sa bahay namin sa Roxas Blvd ito (Dewey pa nun) but di ko alam ano siya, please help if anybody know this place. Ang dalas dalas namin dito pero di ko maalala anong place siya.

ganito mga pictures namin for a time noon, promo siguro ng Kodak

o-ha! kaya niyo yan?

naman na waistline yan!

alam ko sa barko ito at natulog kami dito pero ewan ko din bakit or ano ano napuntahan namin? Corregidor ba? Sana may nakaka-alam, share naman. yeah yeah yeah alam ko naman and yes mahal na mahal ko tatay ko pero sana nanay ko ka-carbon copy ko *sigh* wish lang naman

sa Luneta yan, ewan ko din ba anong ginagawa namin dis oras ng gabi doon at ganyan ang outfit! kaloka!

eto na, ito yung kontrabida sa buhay ko. siya yung nanay ng housemate namin ngayon (auntie ko siya bunsong kapatid ng mommy ko, sampu lang naman sila) naku di umuubra lahat ng drama ko dito sa auntie ko, nagrolyo na ako sa Luneta kaiiyak para lang sa lobo kaso iniwan lang nila ako so ayaw ko naman maiwan dun, eh di end ng drama tayo ako at sabay habol, pero nagmamaktol ha di pa ako tapos um-emote eh. pero syempre bati na kami ngayon pero takot pa din ako sa kanya! Talagang what goes around comes around, siya nagasikaso sa amin nung time na busy busyhan na nanay ko, now my turn naman to take care of her kid, then si Unca Maimai I suppose will watch out for Kite & Laya eventually din.

ito help din, ang dalas namin dito, asan ba ito?

ang fresh ng fez noh? kainis di pinasa ang genes sa akin hmpph

maski naka maong ang ganda pa din di siya casual looking pag maganda ka pumorma, that’s my younger brother

ikaw kaya mo icarry and red pantsuit? wala ka sa lolo ko!

di pa uso animal rights nun! hula ko kaya ganito ang pose niya kasi show off niya new nose niya ssshhh secret yun!

Nanay ko pa din ang pinaka vain na tao sa lahat ng nakilala ko wala pang tatalo sa kanya promise! Siya yung wala akong pakialam kung gaano kasakit basta maganda kayang kaya yan, tiis ganda ang motto sa buhay! Dahil sa kanyang vanity naka dalawang trip ako to Japan nung bata pa ako, dun pa siya nagpa enhance eh, wala pa kasi dito.  Yung vanity niya? Accepted na namin yung, no issue at all, actually siya may issue kasi di kami ganoon, galit yan sa amin kasi di kami willing uminom ng kung ano anong mapapait na gamot/sabaw pangpaganda ng skin at ano ano pa. Yeah di ko natutuhan yung mag-ayos ayos but kung may natutuhan ako from my mom it is how she is such a dear person to all her friends and I want that for my kids too. Yung love ng friends niya sa kanya dahil sa tulong na nabigay niya or dahil sa asikaso niya or dahil sa luto niya walang papantay. I saw how good her friends treat us dahil lang sa lahat ng nagawa ng mom ko for them and yan goal ko talaga yan to spread good while I am alive so I know people will make sure my kids are ok if something happens to us. And true ha, yung mga tinulungan niya when she got plenty were there and were so loyal when she had none. She got very good friends talaga. Di ko na nga lang alam asan sila ngayon. I do wish I made effort and learned Chinese para nacontinue ko yung communication with them. Oh well.

O nahiya ako 25 pictures lang ito. BUT when all the pictures nascan na nung pinapag scan-an ko (thanks Maan for telling me Jhen does it) di ko ma promise wala itong part 2!

I love you mommy!

ps. hay ang tagal in the making ng blog post na ito… pag scan lang ilang gabi na, tapos ihiwa-hiwalayin yung mga pictures ilang araw din, pag pili ng pictures ay sus… eniwey, but na lang isa lang nanay ko. Abangan ninyo din yung next post ko, ako naman bida doon!

§ 30 Responses to My Mommy! A Brag Post

  • Aiai ni Dex says:

    Love it Benz!!! Ganda ganda naman ni Mader artistahin! =)

  • Kaye Morales w@W says:

    Hi Ms. Benz,

    Same here gusto ko magka-blog katulad nung mga sikat..yung feeling po ba na they follow-you because they value your thoughts and opinions but the low part is may mga tao po na nagcocomment and dahil hindi sila sang-ayon or they just want to make kontra. Hopefully, I’ll be able to launch my blog a month before my wedding para yun ang starter ko then the rest will be all family etc. ang issues.

    Your blog po kasi is somehow reflects your personality which is ganun din po ang gusto ko. Most of the blogs kasi masyadong matalinhaga ang mga salita at ang mga nilalaman sometimes para mashowoff lang and nagiging effect po nawawala yung essence and personality ng blog… eventually parang hindi na personality ng blogger. I admire few bloggers because on what they write and on how they handle their critics which lalong nagpainspire sa akin to have one.

    I love how you give respect to your mom. The pics are so classic and great. Grabe po ganun siya ka-vain during those times what more po ngayon. If nabubuhay po siya mas fan po siya ng mga latest sa beauty and fashion🙂 I admire also on how she value friendships, like what you said po nung siya po ang meron hindi siya nakalimot and tumulong sa mga nangangailagan. .At syempre po yung makita ng mga kids yung value na ito para paglaki po nila they will do the same thing din.

    Thank you for inspiring me to blog.. God bless po.

    • BenzRana says:

      Hi Kaye,

      Yeah but maski di sikat ang blog tendency pa din talag is to brag and show off hahaha universal ugali yun.
      🙂

      Go blog na!

  • randy says:

    i love the pics… bukas ko na sya babasahin, haba masyado eh.

  • ann says:

    grabe mimma! tawa ako ng tawa dito sa room ko.. kasi before i read the caption of the picture of your mom and dad, sabi ko sa sarili, ang ganda ang mom mo, at kamukha mo dad mo!! (love you!)

    grabe gagayahin kita, blog/brag ko nga din yong pictures ng nanay.ko. kakamuhi sya, 21 bewang hmp! tapos classic din na lagi ako nasasabihan na yong nanay ko daw nung dalaga parang beauty queen,sabay hirit, siguro kamukha ko daw tatay ko!! lol! keep those pictures coming…

  • jenkifer says:

    ongaaa!!! i like tina tagles blog din.. sad nga kse may password na… tsk
    kainis mga moms noh! my mom din was uber sexy nung kabataan nya… ni kapiranggot man lang ng hotness level nya hindi ko nakuha. tsk!

    • BenzRana says:

      kaka miss blog niya noh? pero i nderstand kasi super deadma to the world siy amag blog eh as in super duper honest and candid.

  • Celia C says:

    HI, Benz!
    Ang ganda ng mommy mo!
    My mom is also beautiful – nagmamalaki pa yun na nung grade 4 pa lang siya dami na lumiligaw sa kanya. Matangos ang ilong and sexy din siya nung dalaga. Mapili masyado, kaya 35 years old na sya nung mag-asawa. But I look like my dad. Sabi nga ng freinds ko, lagyan lang ng buhok ang papa ko, ako na,eh. Sabi ko nga din sa mama ko, bakit hindi sya ang naka-mukha ko, hahaha!

    • BenzRana says:

      Mommy ko laging sinasabi ako itong age maski ilaban sa inyo at your age talo na kayo what more pag ito na age ninyo. hahaha

      Ako din carbon copy ng father ko.

  • Chele ni Dhar says:

    Wow your mom is so pretty & fashionista! Dapat lang i-blog talaga. Sige pls post more blogs about your childhood & your mom.

    • BenzRana says:

      Naku Chele, wag kang magsisi sa comment mo, if makahanap akong more iblog ko talaga. Sikat pala and it makes people comment aba aba aba! Panalo.

  • Mommy Fleur says:

    Teh, ang ganda ng mudra mo! =) Paki tanong nga kung ano ang beauty regimen na ng ma-blog ko hahaha! =)

    Ako din Benz, ayoko maging commercialized yung blog ko. Parang i’ll lose my voice eh. I like it this way na personal siya =) Just like yours…

    • BenzRana says:

      Mommy Fleur!!! Nice meeting you yesterday. Next time one on one tayo para chika ever.

      Sige will ask my mom dalawin ka sa gabi at sabihin sa iyo ano beauty regimen niya har har har

      Yeah kaloka if super sikat ng blog diba? Mapagbintangan ka pang bayad sa blog mo hmph or nagpapabayad sa blog mo…

      Anyway, keep blogging! Kisses to Annika!

  • Ellen says:

    ang ganda pala talaga ng mommy mo…. artistahin🙂

  • Project ko din yan, iscan mga pics ng parents ko.🙂 Yung photo ng mom mo na nasa tapat ng hotel na may parang bahay kubo/gazebo sa likod, kamukhang-kamukha mo siya.

    O ayan, walo na kaming nagcomment.😀

    • BenzRana says:

      Roche,

      Actually 10 tapos sinagot ko nga isa isa mga comments so now 20 na hahaha!

      Yung picture na yun di pa nagpaayos ng ilong kaya kamukha ko… hmmm baka kaya di ko sya kamukha kasi nagpa ayos siya? Paayos kaya ako?

  • pepel says:

    Uulitin ko ulit comment ko when I first saw your mom (at hindi sa picture ha)…. next to my mom, she’s the most beautiful mommy na nakita ko (kahit pa ihilera mo sya sa mga artista🙂

  • Liv says:

    What a sweet post!! And you’re mom is very pretty! Aside from the natural beauty talagang marunong siyang magayos nang maganda!

    Naisip ko tuloy, ano kayang klaseng blog post ang gagawin sa atin nang mga anak natin kung matanda na tayo….at may blog pa kaya sa panahong iyun?

    • BenzRana says:

      Liv, I dunno what the kids will think of us now but as soon as they have kids I am pretty sure the will think of us fondly na🙂 Tignan mo ako di ko appreciate si evil aunt ko but I think siya nagpatino sa akin at siya talaga nag alaga sa amin and I appreciate it na nung older na ako.🙂

  • Sharah tin says:

    Hi. Just wanted to comment to let you know that i always read your blog. Naka bookmark ang blog mo =D

  • patty says:

    hindi ka nagiisa, mama benz. ako rin unang feel ko gusto ko popular blog ko like them, pero I think happy ako na mas prefer ko selected few lang talaga ung makakabasa🙂

    i love the pics! your mom is like a mowdel! ganda🙂 kahit hindi pa ako napapanganak nung time na yan, ung Rizal Theatre is now the Shangri-la Makati. Na-miss ko rin ung dating look ng greenbelt nung andun pa ung Makati Supermarket at ung kaisa-isang restaurant row na tapat ng supermarket na un.

    Sarap balikan ang nakaraan! thanks for sharing!🙂

    • BenzRana says:

      I know hirap diba if sikat na? Pero minsan pag nakikita mo mga gifts fromsponsor parang ayy ang sarap naman. I wanna get a flexibath from Mothercare, LV bags & flower arrangements, tapos sabihin kolang I like this and that bigla the next day isang box na from the maker and nasa doorstep namin hmmm kaso yun nga lang magiging parang work na ang pag blog.
      🙂

  • Myra says:

    Had fun reading this Ms. Benz.

    I’m a silent n@wie (I know, I know, sorry!) but I’ve met you personally na when we ordered the caketopper before. (fifty golden years ago na, hehehe)

    Anyways, your Mom’s really beautiful!

    And the decorative clock in one of the pictures (taken sa airport?) was AWESOME. As in AWESOME!
    One day, I will have one like that customized! (Mayaman? hehehe)

    Also, I want din to maintain a blog sana pero ewan ko ba..been putting it off. I love to write pero the regularity of posts baka dun ako sumabit.

    Kung nag a auto “blog” lang ang utak, aba marami na akong posts. Many times in the day, marami akong na cocompose na entry in my mind pero the actual writing, asus naman.

    Anyways, keep the posts coming. I have been visiting pero di nag co comment. Now lang. 🙂

    I also read Topaz Mommy’s post about you.🙂

    God bless and kisses to Laya and Kite ( o ha, feeling stalker ako kasi kilala ko sila)

  • Ting Patriarca says:

    i soooo like your mom’s kakikayan! and she is very pretty indeed! actually, parang iba-iba ang beauty nya depende sa anggulo. i love her pic dun sa bday part ng younger brother mo. ang ganda-ganda nya dun. at ang galing nyang mag-ayos ng hair nya! the curls and the waves. ilang oras nya ginagawa yun? or may taga-ayos sya ng buhok?

    panalo ang mga captions mo. tawa ako ng tawa lalo na part na unahan kumuha ng maleta at ang kukunin mo is yung maleta ng make-up. hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading My Mommy! A Brag Post at MimmaBenz.com.

meta

%d bloggers like this: